Talambuhay ni indira ghandi

Answers

  • Réponse publiée par: abbigail333

    Si Indira Priyadarshini Gandhi  ipinanganak noong 19 Nobyembre 1917  Allahabad sa Pinag-isang Lalawigan, Indiyang Briton ay ang dating Punong Ministro ng Republika ng Indiya sa tatlong magkakasunod ng termino mula 1966 hanggang 1977 at ang ika-apat na termino mula 1980 hanggang sa kanyang pagpaslang noong 1984, sa kabuuang labing-limang taon. Siya ang una at nag-iisang babaeng Punong Ministro. Noong 1999, binoto siya bilang pinakadakilang babae sa na nakaraang 1000 taon sa isang botohan na ginawa ng balitang BBC. Nilagpasan niya ang iba pang mga kilalang mga babae katulad nina Reyna Elizabeth I ng Inglatera, Marie Curie at Mother Teresa. Ipinanganak sa maimpluwensiyang politikang dinastiyang Nehru, lumaki siya sa isang matinding kapaligirang mapolitika. Sa kabila ng kaparehong huling pangalan, wala siya relasyong sa estadista si Mohandas Gandhi. Isang prominanteng nasyonalistang pinuno ang kanyang lolo si Motilal Nehru. Samantalang isang mahalagang pigura sa kilusang kalayaan ng Indiya at unang Punong Ministro ng Malayang Indiya ang kanyang ama na si Jawaharlal Nehru. Pagkatapos bumalik sa India mula sa Pamantasan ng Oxford noong 1941, sinangkot niya ang sarili sa kilusan ng Pagpapalaya sa India.

Connaissez-vous la bonne réponse?
Talambuhay ni indira ghandi...