• Accueil
  • Art
  • Gumawa ng ambahan tungkol sa arts and crafts ng mi...

Gumawa ng ambahan tungkol sa arts and crafts ng mimaropa​

Answers

  • Réponse publiée par: 09330399672

    Ang ambahan ay isang katutubong tula na nililikha ng mga Mangyan, partikular ang mga Hanunuo at Buhid na matatagpuan sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro at San Jose naman sa Occidental Mindoro. Ang mga grupong ito ng mga Mangyan ay may sariling sistema ng pagsulat na ginagamit na nila bago pa man dumating ang mga Kastila.

    Ang ambahan ay may sukat na pitong pantig sa bawat taludtod maliban sa unang taludtod na maaaring higit o kulang sa pitong pantig dahil may mga pagkakataong ang nagsasalita ay maaaring may mahaba o maigsing pangalan. Ang unang linya sa ambahan ang nagpapakilala sa kung sino ang nagsasalita. Binibigkas itong parang isang engkantasyon ngunit walang nakatakdang tono o kasabay na anumang instrumento.

    Ang sukat na pitong pantig sa bawat taludtod ngn ambahan o sukat na gansal, ay karaniwang matatagpuan sa mga katutubong tulang Tagalog tulad ng tanaga, ullalim ng mga Kalinga sa norte, at sa epikong Ulahingan ng Mindanao (p. xiv). Isahang tugma ang kailanan ng tugmang Ambahan. Mahalagang katangian ng ambahan ang tugma na ang karaniwang ginagamit ay ang an dahil ito ang karaniwang panlapi para sa mga pandiwa sa wika ng Hanunuo. Ngunit meron din naman silang a, ak, ag, ang, as, aw, ay. Pag nagsimula ito sa tugmang an, an ang tugma hanggang sa dulo.

    Kawayan sa Marigit

    Pag tanaw ko, palapit

    Labong pa siyang kay liit

    Nang daanan ko pabalik

    Siksikan mga tinik

    Mainam nang pang-sahig!

    Buli sa may kaingin

    Noong s'ya pa'y musmusin

    Hindi ko pinapansin

    Nang gumulang, pagsapit

    Tanggi ko ang lumain

    Sariwa kong kukunin

    Bayong kong lalalain

    Lagi kong sasakbitin!

    O liyag, aking hirang

    Kanina nang lumisan

    Galing sa 'king dingdingan

    Palay na inanihan

    Akin lang iniwanan

    Hinangad kong katuwang

    Di basta palay lamang

    Sa lakad sa ilog man

    Maging sa kaparangan

    Kaakbay ko saan man

    Kaabay sa higaan!

  • Réponse publiée par: camillebalajadia

    answer:

    example ng ambahan tungkol sa education tagalog po ah. pl kailangan na kailangan lang po

    explanation:

Connaissez-vous la bonne réponse?
Gumawa ng ambahan tungkol sa arts and crafts ng mimaropa​...