Edukasyon sa Pagpapakatao, 28.10.2019 15:29, kenn14
3. paghikab ng malakas na hindi
Answers: 2
Answers

Register
Your email
Password
Your question
Your question is too short
You are registered.
Access to the site will be open after checking and publishing the question.
Access to the site will be open after checking and publishing the question.
Ask your question to an expert
Your name
Email
Question
Pick a subject
Add a question text of at least 10 characters
Question sent to expert. You will receive an answer to the email.
Instant access to the answer in our app
And millions of other answers 4U without ads

Be smarter, download now!
or
Gawain 3:
Mga Sagot:
isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos hindi ginamitan ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos hindi ginamitan ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos isip isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos isip isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos isipMga Paliwanag:
Ang pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kanyang matandang pasahero na inatake sa puso ay pagpapakita ng tamang paggamit ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos.
Ang pagsasauli ng sobrang sukli sa tinder sa palengke ay nagpapakita din ng tamang paggamit ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos.
Ang paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang bibig ay pagpapakita ng kawalan ng kilos – loob, mapanagutang kilos, at tamang pag – iisip.
Ang pagsasalita habang tulog ay hindi nagpapakita ng gamit ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos.
Ang pagtanggi sa alok ng barkada na magpunta ng comedy bar dahil sa maaga pa ang pasok bukas at may report sa trabaho kinabukasan na dapat tapusin ay pagpapakita ng tamang gamit ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos.
Ang paghimas sa tiyan dahil sa gutom ay pagpapakita lamang ng paggamit ng isip.
Ang pagsisikap na makabuo ng tanong na may mapanuring pag iisip sa ginagawang investigatory project ay pagpapakita ng tamang paggamit ng isip, kilos – loob, at mapanagutang kilos.
Ang pagkurap ng mata ay kilos na gamit lamang ang isip.
Ang pagtuturo ng guro sa kanyang klase nang handa at may pagnanais na magbahagi ng kanyang kakayahan ayon sa learning competency ng kanyang aralin ay pagpapakita ng tamang gamit ng isp, kilos – loob, at mapanagutang kilos.
Ang pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok ay kilos na gamit lamang ang isip.
Isip:Ang isip ay ang kakayahang alamain ang buod at diwa ng mga bagay at mag – isip. Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, sumuri, umalala, at unawain ang kahulugan ng mga bagay – bagay.
Ang gamit ng isip ay upang umunawa. Sa pamamagitan ng isip natututong kilalalin ng tao ang masama at mabuti, totoo at hindi, mahalaga at walang kabuluhang mga bagay. Sa pamamagitan din ng isip napagtatanto ng tao ang kanyang mga kahinaan at kakulangan. Ang isip ang naghahanap ng katotohanan sa pamamagitan ng patuloy na pananaliksik.
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan. Ang katotohanan ay natatagpuan sa pamamagitan ng patuloy na pananaliksik gamit hindi lamang ang isip pati na ang mga pandama ng tao tulad ng paningin, pandinig, pang – amoy, panlasa, at pandama.
Kahulugan ng Isip:
Kilos – loob:Ang kilos – loob ay ang kapangyarihang magpasya, pumili , at isakatuparan ang kanyang pinili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos – loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad o faculty na nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama. Ito ay nakasalalay sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Samakatuwid, naiimpluwensyahan ng isip ang kilos – loob. Dahil sa kilos – loob, maaring piliin ng tao na gumawa ng mabuti.
Ang gamit ng kilos – loob ay upang kumilos o gumawa. Kapag ginagamit ng tao ang kanyang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama, ipinapakita lamang niya ang kanyang mapanagutan o responsableng pagkilos.
Ang tunguhin ng kilos – loob ay kabutihan. Sapagkat ang kilos – loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya’t ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan. Sa tuwing gumagawa ang tao ng kabutihan, ito ay pagpapakita lamang ng responsible o mapanagutang pagkilos.
Kahulugan ng Kilos – loob:
Mapanagutang Kilos:Ang mapanagutang kilos ay gumagamit ng isip at kilos –loob upang makapagpasiya ng tama.
Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan:
di kusang - loob kusang - loob walang kusang – loobAng di – kusang – loob ay tumutukoy sa paggamit ng kaalaman ng tao ngunit walang pagsang – ayon. Ito ay makikita sa kilos na hindi isinasakatuparan sa kabila ng pagkakaroon ng kaalaman sa gawain na dapat matapos o maisakatuparan.
Ang kusang loob ay tumutukoy sa mga kilos na may kaalaman at pagsang – ayon. Ang taong gumagawa ng kilos ay may ganap na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kanyang mga ginagawa.
Ang walang kusang – loob ay ang kawalan ng tao ng kaalaman kaya naman walang pagsang – ayon sa kanyang kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya walang pagkukusa.
Kahulugan ng Mapanagutang Kilos:
Other questions about: Edukasyon sa Pagpapakatao
Popular questions