Tula tungkol sa''karapatang pambata patuloy na pahalagahan at gampanan, tungosa magandang kinabukasan''.

Answers

  • Réponse publiée par: kurtiee

    Tumingin ka sa lansangan at iyong masdan,

    Ang katayuan ng karamihan sa ating mga kabataan,

    Walang makain, walang inumin, walang tirahan,

    Lahat ginagawa upang may mapagkakitaan.

    Ang iba sa kanila, mata'y puno ng lungkot,

    Ang ilan, makikita mo ang poot,

    Karamihan masasalamin ang sakit,

    Palaging katanungan ay bakit.

    Tila para sa kanila, dumadaloy lang ang panahon,

    Na araw araw, patuloy silang hindi makarinig ng tugon.

    Paano magigiging pag-asa ng bayan ang kabataan

    Kung patulo'y silang pababayaan?

    Ang hindi alam ng karamihan,

    Nitong mga pabayang nagbubulagbulagan,

    Itong mga kabataan, nasa eskwelahan man o lansangan,

    Ay puno pa rin ng pangarap para sa magandang kinabukasan.

    Kaya pakatandan, ito'y tinawag na karapatan dahil gagawin dapat,

    Tutuparin dapat, gagampanan dapat, kikilos ng higit sa sapat.

    Sino pa ba ang aasahan ng kinabukasan,

    Kundi itong mga supling ng kasalukuyan.

    Explanation:

    Mahalaga ang karapatan ng mga bata para magampanan nila ang tungkulin nila sa lipunan, maging sa kinabukasan.

    To know more about children rights, clink the link

Connaissez-vous la bonne réponse?
Tula tungkol sa''karapatang pambata patuloy na pahalagahan at gampanan, tungosa magandang kinabukasa...