El filibustirismo maikling buod bawat kabanata

Answers

  • Réponse publiée par: maledabacuetes

    Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa wikang Filipino ay karugtong o sikwel ng Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong Oktubre 1887 habang siya nagpapraktis ng medisina sa Calamba, Laguna. Ito ay orihinal na nakasulat sa wikang Kastila at inialay niya sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na Gomburza (Padre Gomez, Burgos, at Zamora).

    Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo noong Marso 29, 1891 na inilathala rin ng taon ding iyon. Isang kaibigan na nagngangalang Valentin Ventura ang nagpahiram diumano ng pera kay Rizal upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

    Sinasabing ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika na naglalayong magmulat sa kaisipan at mang-gising sa damdamin ng mga mambabasa upang ang hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan ay makamtan.

    Ilan sa mga panganuhaing tauhan dito ay sina Simoun (Juan Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi, at marami pang iba.

    Explanation:

  • Réponse publiée par: shannel99

    Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta.  Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta.  Naroon ang dalawang estudyate na pinakukundanganan ng iba - si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay nang manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani.  Kausap sila Kapitan Basilio.  Napag-usapan si Kapitan Tiyago.  Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng Kapitan nitong mga huling araw.  Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila.  Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kapitan Basilio.  Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata.  Lumayo ang matandang Basilio.  Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina.  Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.

    Dumating si Simoun at kinausap ang magkabigan.  Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani.  Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas.  Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan.  Napangiti si Simoun.  Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.

    Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa.  Tumanggi ang dalawa.  Ayon kay Simoun, sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa.  Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.  At dagdag ni Isagani:  lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.  Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.

    Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig.  Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.  Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina.  Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa.

    Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno.  May dumating na utusan.  Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin.  Nguni’t nakita ng Kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

    Explanation:

  • Réponse publiée par: cyrishlayno

    answer:

    si tandang selong ang umampon kay basilio sa gubat ay matanda na. ang ama ng dalagang si lucia, si kabesang tales, na anak ni tandang selo, ay isa nang kabesa de baranggay. yumaman ito dahil sa tiyaga. nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si huli upang mapantay kay basilio na kasintahan nito. nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. pinabuwis si kabesang tales. tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. di na nakaya ni kabesang tales. nakipag-asunto sa mga prayle.

    matigas ang sabi ni kabesang tales. ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. wala. naging kawali si tano. di ibinayad ng kapalit ang anak. anya: binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga (si lucia) sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. at anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni tano, ako’y bumabayad sa abogado. kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.

    tinanuran ni kabesang tales ang kanyang bukid. lagi siyang may pasang baril. di makapasok doon ang sino man dahil balita si kabesang tales sa pagbaril. nagdala siya ng gulok. balita sa arnis ang kabesa. ipinagbawal ang gulok. nagdala siya ng palakol. si kabesang tales ay nahulog sa kamay reng mga tulisan at ipinatubos. isinanla ni huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni basilio. hindi rin nakasapat ang panubos. ipinasyang mangutang kay hermana penchang at maglingkod dito bilang utusan. noon ay bisperas ng pasko. kinabukasan, araw ng pasko ay maglilingkod na siyang alila. masalimuot ang naging panaginip ni huli nang gabing iyon.

  • Réponse publiée par: pauyonlor

    Buod ng Kabanata 2 ng El Filibusterismo na pinamagatang "Sa Ilalim ng Kubyerta"

    Ang kubyerta ay may dalawang bahagi, ang ibabaw at ang ilalim na maihahalintulad sa buhay ng tao na may mayaman o mataas at mahirap o mababa.

    Sa ilalim ay may mga nagsusugal at mangangalakal. Nandito si Simoun. Nandito rin ang ilang mag-aaral na si Isagani at Basilio na kausap ang Kapitan. Napag-usapan din ang tungkol sa pagtatayo ng akademya sa wikang kastila.

    Inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbesa ang dalawa ngunit sa bandang huli ay nauwi ito sa pagtatalo. Ipinatawag naman ng isang utusan si ni Padre Florentino si Isagani,

    Samantala, habang nagmumuni-muni si Padre Florentino ay naalala niya ang mga araw ng kaniyang pagpapari pati na ang dati nitong minamahal.

  • Réponse publiée par: meteor13

    Kabanata 45: Ang Mga Inuusig

    Buod:

    Nagkipagkita si Elias kay Kapitan Pablo sa kagubatan.  Nakita ni Elias si Kapitan Pablo at sinabing hindi niya nahanap ang natira sa kanilang pamilya.  Sinabi ni Elias kay Kapitan Pablo na lumikas na lang sila sa Hilaga at mamuhay ng mapayapa.  Ngunit tumanggi si Kapitan Pablo at ikwinento ang nangyari sa mga anak niya.  Naunawaan nj Elias si Kapitan Pablo, ngunit siya'y nangamba para sa Kapitan. Kaya't isinalaysay niya sa Kapitan kung sino si Crisostomo Ibarra, sinabi ni Elias na makatutulong si Ibarra sa kanilang paghihiganti. Sumangayon naman si Kapitan Pablo.  Kapag sumangayon si Ibarra sa kanilang paghihingi ay na sa kanila ang katarungan. Pagkalipas ng apat na araw, saka malalaman nina Kapitan Pablo ang sagot ni Ibarra.

    Ilan pang mahahalagang pangyayari sa mga kabanata ng Noli Me Tangere:

    Kabanata 1:

    Kabanata 7:  

    Kabanata 13:

    Kabanata 15:

    Kabanata 16:

    Kabanata 20:

    Kabanata 21:

    Kabanata 24:

    Kabanata 26:

    Kabanata 28:

    Kabanata 30:

    Kabanata 31:

    Kabanata 34:

    Kabanata 37:

    Kabanata 38:

    Kabanata 39:

    Kabanata 43:

    Kabanata 46:

    Kabanata 47:

    Kabanata 48:

    Kabanata 51:

    Kabanata 52:

    Kabanata 55:

    Kabanata 57:

    Kabanata 60:  

    Kabanata 61:

    Kabanata 63:

    #answerForTrees

  • Réponse publiée par: brianneaudreyvuy

    Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago

    Buod:

    Napangasawa niya si Pia Alba at mangangalakal silang mag-asawa. Noong namatay si Pia Alba, naiwan sa kanya ang kanilang anak na si Maria Clara. Si Tiya Isabel ang nag-aalaga noon kay Maria Clara. Napagkasunduan nila ni Don Rafael Ibarra (ama ni Crisostomo Ibarra) at Kapitan Tiyago na pagdating ng panahon, ikawsal ang kanilang anak. Si Kapitan Tiyago noon ay nagbebenta ng Opyum kaya nakaangat sa buhay.

    Ilan pang mahahalagang pangyayari sa mga kabanata ng Noli Me Tangere:

    Kabanata 1:

    Kabanata 7:  

    Kabanata 13:

    Kabanata 15:

    Kabanata 16:

    Kabanata 20:

    Kabanata 21:

    Kabanata 24:

    Kabanata 25:

    Kabanata 26:

    Kabanata 28:

    Kabanata 30:

    Kabanata 31:

    Kabanata 34:

    Kabanata 37:

    Kabanata 38:

    Kabanata 39:

    Kabanata 43:

    Kabanata 45:

    Kabanata 46:

    Kabanata 47:

    Kabanata 48:

    Kabanata 51:

    Kabanata 52:

    Kabanata 55:

    Kabanata 57:

    Kabanata 60:  

    Kabanata 61:

    Kabanata 63:

    #answerForTrees

  • Réponse publiée par: kirbydimaranan

    Sa Noli Me Tangere , si selo ang umamapon kay Basilio . Siya ang ama ni Kabesang Tales. Anak ni Tandang Selo si tales .Dati ay nakikisaka si Tales. Nang makaipon ay nagsarili. Sa pagkakaingin nagkasakit at namatay ang asawa nito at anak na si Lucia

    Sa panahon ng pag aani, inangkin ng mga pari ang lupain. Pinagbayad ng buwis si Tales sa halagang PHP 30.00

    Laging masagana ang ani ni tales kaya mabilis umasenso. Inihalal siyang Kabesa De Barangay kaya tinawag na Kabesang Tales , Upang maiwasan ang problema, siya ang nagbayad sa mga hindi makabayad ng buwis

    Nang sumunod na anihan , muling tinaasan ngga pari ang buwis at muling dinagdagan sa sumunod pang anihan kaya tumutol ang kabesa

    Nagmatigas si Kabesang Tales. Hindi niya iniwan ang lupain. Idinemanda siya ng mga pari dahil takot ang mga hukom na alisin sila sa pwesto, hindi siya pinanigan ng mga ito.

    Nagdala ng baril si Kabesang Tales para bantayan ang lupain. Natakot ang tagapangasiwa ng mga pari kaya nagbaba ng utos ang kapitan heneral na samsamin ang mga baril. Pero... Gulok naman ang dinala niya

    Ipinatawag sa hukbo ang anak ni Kabesang Tales na si Tano. Sa halip magbayad para hindi kuni abg anak ay pinabayaan itong umalis. dahil doon iyak ng iyak ang kapatid ni Tano na si Juli

    Dinukot ng mag tulisan si Kabesang tales at ipinatutubos ang buwis at kungdi ay papatayin siya ng mga ito...

    Ipinagbili ji Juli ang lahat ng alahas . Maliban sa Agnos ni Maria Clara na bigay ni basilio ngunit kulang parin ito para tubusin ang ama

    Nagpasyang pumasok na katulong si Juli para matubos ang ama, hindi iyon matanggap ni Tandang Selo lalo at pasko na bukas.

    Bisperas ng pasko nang dumating ng San Diego si Basillio. Sakay siya ng isang karomata

    Hindi napansin ng kutsero na walang ilaw ang karomata nang dumaan sila sa kiwartel . Nagulat pa ito nang makarinig ng sigaw "ALTO" Napilitang bumaba ni Basilio dahil inaresto ng mga guwardya sibil ang kutsero

    Napadaan ang binata sa bahay ng Kapitan. Nakita niya ang kapitan na kausap ang kura, ang alperes at si Simoun

    Narating ni Basilio ang bahay ni Kapitan Tiago. Ibinalita ng katiwala ng dalawang katulong sa bukid ang napiit at ang isa ay ipinatapon sa malayong bayan

    Nagpunta si basilio sa matandang gubat na dating pag aari ng mga Ibarra . Doon nakalibing ang ina niyang si sisa

    13 taon na ang lumipas pero buhay parin sa isip ni basilio na noong bisperas din ng pasko, habol niya ng na ina na namatay nang gabing ring iyon

    Wla sa sariling sumunod siya sa lalaki . pagbalik niya patay na rin ito. isang lalaking hindi rin niya kilala ang lumapit at tinulungan siya nitong sunugin ang bangkay ng lalaki at ilibing ang ina

    Narating ni Basilio ang maynila. dito nya nakatagpo sina tiya isabel at kapitan tiago na mga kababayan sa san diego

    mahirap ang pinagdaanan ni basilio. ginawa siyang katatawan sa eskuwela . hindi niya ito pinansin at nag aral siya ng mabuti

    Ikatlong taon niya sa pag aaral saka lang natuklasan ng isang gurong dominikano ang husay niya sa kastila at lahat ng tanong nito ay nasasagot nya. dahil doon , hindi na siya tinanong nito minsan man

    Ikaapat na taon ni basilio sa letran nang isa sya sa mga estudyanteng iniliban ng isang guro sa nakaaway n mga kadete. naging tanyag siya sa husay sa pakikipaglaban ng espada at baston. nabogyan tuloy siya ng mataas na marka at medalya

    Noon siya inilipat ni kapitan tiago sa ateneo . dito bagong mundo ang nabuksan sa kanya . lalo syang nagsikap kaya laging tanyag sa kolehiyo

    ang gusto ni kapitan tiago ay kumuha sya ng abogasya pero nagpasya siyng kumuha ng medisina

    pauwi na si basilio nang makarinig nang kaluskos

    kinalabutan siya nang may makilala niya kung sino ang may likha noon " Ginoong simoun??

    dalawang lalaki ang nakita niya noon. isa ang bangkay na sinunog nila na may tama ng baril ..sino si ibarra sa dalawa?sino si simoun?nabigla si simoun at natigilan at namutla

    katahimikan (awkward silence) ilang sandali pa at nilapitan ni simoun si basilio

  • Réponse publiée par: 09330399672
    El Filibusterismo–Kabanata 1: Sa Ibabaw ng KubyertaBuon ng Kwento

    Umaga at Buwan ng Disyermbre. Sa Ilog Pasig, ang Bappor Tabo ay sumasalunga. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at si Simoun.

    Nag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilong pasig. Nagbigay ng mungkahi si Don Custodio na mag alaga ng itik. Si Simoun naman ang kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral na gumawa ng tuwid na kanal na mag-kokonekta sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.

    Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw naman ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng mga pato dahil dadami raw ang balot na kinadidirihan niya.

    Para sa higit pang impormasyon ng Kabanata 1 ng El Filibusterismo, bisitahin ang link sa ibaba:

  • Réponse publiée par: 09330399672
    Ulila , inampon ni Kap. tiago , nag aral at nabully ng sariling teacher at klasmet , nagtapos ng kursong medisina , ngunit abogasya ang gusto ni kap. para kay basilio . kasintahan ni huli
Connaissez-vous la bonne réponse?
El filibustirismo maikling buod bawat kabanata...