Liham aplikasyon sa trabaho bilang sk sa barangay

Answers

  • Réponse publiée par: nelgelinagudo

    #149 Brgy. Pulo, Lungsod ng Batangas

    Oktubre 6, 2019

     

    DR. RAFAEL GONZALES

    Director

    Gonzales Medical Hospital

    Batangas Branch

    Mahal na Ginoong Gonzales:

     

    Magandang araw. Nabatid sa aking kaalaman sa pamamagitan ng artikulong naulat sa pahayagan na ang inyong hospital ay nangangailangan ng karagdagang limang bilang ng nurse. Naniniwala ako na kwalipikado ako sa naturang posisyon na hinahanap ng inyong hospital.  

    Ako po ay isang dalaga, dalwampu’t siyam na gulang at nagtapos ng kursong Nursing sa Unibersidad ng Batangas. Ako ay nakapasa na rin sa pagsusulit ng Nursing at nakakuha ng balasak na 89.9%. May anim na taon na karanasan sa medisina sa San Lazaro General Hospital. Ang nasabing hospital ay kayang umokupa ng 1200 pasyente at ang aking aktibong pagtatrabaho ay naparangalan sa tatlong sunod sunod na taon noong 2016, 2017 at 2019. Nais kong maibahagi ang mga ito sa inyong hospital.

    Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa akong magtungo sa inyong hospital para inyong makapanyam sa petsa na inyong nanaisin.

    Ako po ay lubos na umaasang makakasama sa mabibigyan ng oportunidad ng inyong binuksan upang aking maibahagi ang aking mga kaalaman sa inyong hospital.

    Lubos na gumagalang,

    Maria Magdalena dela Cruz

    Explanation:

    Ang paalala sa pag gawa liham aplikasyon ay ang mga sumusunod:

    1. Isulat ang iyong personal na impormasyon.

    2. Linawin ang dahilan kung bakit ka nag-aapply at kung ano ang maitutulong mo sa pinag-aapplyan.

    3. Panatilihing maikli at malaman liham-aplikasyon.

    4. Iwasan ang paglalagay ng mga bagay na walang katotohanan.

    Tanong na may kaugnayan: Ano ang kahulugan ng liham aplikasyon ?

  • Réponse publiée par: kelly072

    Ano ang liham aplikasyon? Ang kahulugan ng liham aplikasyon ay ito ang isinusumite sa mga "employer" o kumanya upang maging interesado sila na kunin ka sa trabaho. Paano gumawa ng liham aplikasyon? Narito ang ilang mga tips at kailangang tandaan:

    Alamin kung ano ang hinahanap ng kumpanya o "employer" na gusto mong pasukan. Alamin ang gusto nilang mga katangian at karanasan mula sa isang aplikanteng kagaya mo. Base sa katangian at karanasan na gusto nilang makita mula sa aplikante, iugnay ang iyong sariling katangian at karanasan sa mga ito. Bigyan ito ng empasis sa iyong liham aplikasyon upang kaagad na magkaroon ng ideya ang kumpanya o "employer" na ikaw ay tugma sa kanilang hinahanap. Sa iyong liham aplikasyon, alamin kung sino ang "contact person" ng Human Resources na makakatanggap ng iyong liham. Ilagay ang kanyang buong pangalan (lagyan ito ng Binbini o Ginoo), pusisyon, kumpanya, at address ng kumpanya. Sa unang talata, ilagay kung paano mo nalaman ang posisyon at sabihin na interesado ka na mag-apply. Sa ikalawang talata, ilahad ang iyong katangian at karanasan na tugma sa hinahanap nilang mga katangian at karanasan. Sa ikatlong talata, sabihin na nakalakip ang iyong resume at ilagay na rin kung paano at anong oras sila maaaring makipag-ugnayan sa iyo. Huwag masyadong gawing mahaba ang iyong liham aplikasyon. Tandaan na ang magbabasa nito ay maaaring magbabasa pa ng maraming liham aplikasyon kaya gawing maiksi pero malaman ang iyong liham aplikasyon.

    Narito ang isang halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang chef:



    Oktubre 1, 2018


    Bb. Stephanie Delos Reyes

    Human Resources Manager

    ABC Restaurant Inc.

    No. 123, Gil Street, Pasig City


    Magandang araw, Bb. Stephanie Delos Reyes,

    Nasabik ako nang makita ko sa isang website na naghahanap kayo ng chef para sa inyong kumpanya. Nais kong ipaalam sa inyo na interesado ako na pumasok bilang chef ng ABC Restaurant Inc. Matagal na akong kumakain sa ABC Restaurant Inc. at nais kong makatulong sa tagumpay ng ABC Restaurant Inc.

    Ang aking limang taong karanasan bilang chef sa DEF Hotel Inc. ay makakatulong sa akin upang makagawa ang trabaho ng pagiging chef sa ABC Restaurant Inc. Sa DEF Hotel, natuto ako kung paano humawak ng tao, kung paano magluto kahit na gahol sa oras, at kung paano pasabikin ang mga customers sa pamamagitan ng masasarap na putahe.

    Nakalakip dito ang aking resume para mas malaman pa ninyo ang aking karanasan sa DEF Hotel Inc. Maaari ninyo akong ma-contact nang kahit na anong oras sa pamamagitan ng aking email ([email protected]) at cellphone number (+639201234567).

    Maraming salamat.


    Lubos na gumagalang,

    John Dela Rosa

    [email protected]

    +639201234567



    Iyan ang halimbawa ng isang liham aplikasyon para sa trabaho bilang chef. Maaari ka ring gumawa ng iyong sariling liham aplikasyon. Tandaan lamang ang mga tips na nakasulat sa itaas. Ibase ito sa iyong sariling karanasan at katangian.

    Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa liham aplikasyon:

    Ano nga ba ang kahulugan at ang nilalaman ng isang liham aplikasyon:

    Ano nga ba ang liham aplikasyon:

    Halimbawa ng isang liham aplikasyon bilang isang accountant:

  • Réponse publiée par: sicienth

    answer:

    TamaTamaTama

    Explanation:

    #CarryOnLearning

  • Réponse publiée par: brianneaudreyvuy

    No. 127 Yakal St. Xone “B”

    San Miguel, Tarlac City- 415

    February 18,2020

    Ginoong Nelson Manaloto

    Manaloto Pugo & Fishball Inc.

    No. 143 Tolentino Building

    Medina Ave. United States of Antipolo

    Sir:

    Nalaman ko mula sa aking kaibigan na nagtatrabaho sa inyong kumpanya na nangangailangan kayo ng isang accountant, ang posisyong pinaniniwalaan kong posisyon na ako ay karapat-dapat.

    Ako ay nakakuha ng maraming pag-aaral at trainings sa accountant, at maari nyo akong maasahan sa paggawa ng iba’t-ibang financial statements, pag analyze ng mga financial statements, pag record at pag manage ng mga book of accounts. Maari din ninyo akong asahan patungkol sa taxes. Para sa karagdagan, Naniniwala ako na masisiguro ko ang aking katapatan at kasipagan na kung saan pinaniniwalaan ko na dapat maging katangian ng isang mabuting empleyado.

    Para sa aking natapos, ako ay graduate ng business law, accounting and management sa University of Nevada in Las Vegas, USA. Naniniwala ako na ang training ko noong college ay naghanda sa akin upang magawa ko ang aking malaking responsibilidad.

    Para sa inyong kaalaman para sa aking intellectual na kakayahan, maari kayong sumangguni sa mga sumusunod na personalidad:

    Prof. Benito Ramos, College of Business and Accountancy,  

    University of Nevada in Las Vegas, United States of America

    Mr. Paolo Pasion. Chief Executive Officer, Alamang & Alige Inc. Shq Ave. Los

    Angeles, Pampanga.

    AKo po ay handang makipagkita at mag report sa inyong opisina para sa interview sa oras na bakante kayp. Maari ninyo akong mokontak sa mga numerong ito: 09102222222

    Lubos na gumagalang,

    CHESTER F. DELA ROSA  ( lagda)

    Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang guro

    Ano ang kahulugan ng liham aplikasyon?

    Halimbawa ng liham aplikasyon sa trabaho bilang chef

  • Réponse publiée par: kimashleybartolome
    [Sa Kinauukulan]

    Ako si [pangalan], nakapagtapos ng Batsilyer ng Agham sa Edukasyon sa [unidersidad]. Ang liham na ito ay nagsisilbing pagpapahiwatig ng aking interes na maging bahagi ng inyong butihing unibersidad. Naniniwala ako na ang aking karanasan bilang guro ay nilinang ako upang maging mas epektibo pa sa larangan na ito. Sa kagustuhang palawigin pa ang aking kaalaman at kakayahan, nais kong magturo sa inyong unibersidad dahil alam kong ito ay isa sa mga prestihiyosong institusyon sa bansa. Ang sistema ay komprehensibo at mayroong mahusay na administrasyon na nangangalaga sa parehong guro at mag-aaral. Kapalit nito ay makakaasa ang unibersidad na aking ibibigay ang lahat ng aking makakaya upang maging karapatdapat na bahagi ng inyong departamento.

    Nawa'y inyong bigyang-pansin ang aking aplikasyon. Kalakip nito ay ang aking curriculum vitae.
Connaissez-vous la bonne réponse?
Liham aplikasyon sa trabaho bilang sk sa barangay...