Magbigay ng alamat na kaparehas ng alamat ng baysay

Answers

  • Réponse publiée par: kelly072

    Alamat ng ANG TUSONG KATIWALA

  • Réponse publiée par: batopusong81

    Alamat ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna

  • Réponse publiée par: Axelamat

    Alamat Ng mga Alon

    alamat Ng lansones

  • Réponse publiée par: taekookislifeu

    Alamat ng Saging

    Noong unang panahon, isang magandang babae ang nakakilala ng isang kakaibang lalaki. Ito ay isang engkanto. Masarap mangusap ang lalaki at maraming kuwento. Nabihag ang babae sa engkanto. Ipinagtapat naman ng engkanto na buhat siya sa lupain ng mga pangarap, at hindi sila maaaring magkasama. Gayunman, umibig ang babae sa lalaki.

    Isang araw, nagpaalam ang binata. Sinabi niyang iyon na ang huling pagkikita nila. Nang magpaalam ang engkanto, hindi nakatiis ang babae. Ayaw niyang paalisin ang lalaki. Maghigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki para huwag itong makaalis. Pero nawala ang lalaki, at sa matinding pagkabigla ng babae, naiwan sa kanya ang kamay nito. Nahintakutan ang babae. Dali-dali niyang ang kamay sa isang bahagi ng bakuran.

    Kinaumagahan, dinalaw niya ang pook na pinagbaunan ng kamay. Napansin niyang isang halaman ang tumutubo. Makaraan ang ilang buwan, tumaas ang puno na may malalapad na dahon. Nagkabunga rin ito na may bulaklak na itsurang daliri ng mga kamay. Ito ang tinatawag na saging ngayon.

    Alamat ng Lansones

    Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

    Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.

    Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.

    SANA MAKATULONG:)))

  • Réponse publiée par: calmaaprilgrace

    Alamat ng tatlong pulo(Luzon visayas at minadanao)

  • Réponse publiée par: janalynmae

    ang alamat ng sampalok

  • Réponse publiée par: nelspas422

    Ang alamt ng sampung wika

    Noong sinaunang panahon, mayroong isang tribong nanirahan sa isang maliit na isla, ang Tribong Amihan. Sa kabila ng pagkakaroon ng maliit na pook, masagana ang ani ng mga katutubo, at mayaman sa lamang-dagat ang malawak at malilim na karagatang lumilibot sa munting isla. Ngunit, dahil ang isla’y pinalilibutan ng malalim na karagatan at ng mga mababangis na hayop, wala pang nakapaglakbay palabas at papunta ng isla.

    Sa tribong ito nanirahan ang dalawang kambal, sina Lakas at Makata. Sa kabila ng pagiging magkambal, malaki ang pinagkaiba ng dalawang magkapatid. Si Lakas at matipuno at matapang. Siya ang pinakamalakas na mandirigma ng munting isla. Noong siya’y musmos pa lamang, dumating ang isang lobo sa kanilang bayan habang natutulog ang mga mamamayan. Pumasok sa bahay ng Datu ang lobo at pumunta sa kwarto ng dalawang magkapatid. Nang marinig ang iyak ng kapatid, bumangon si Lakas sa kanyang kamat at nakipaglaban sa lobo. Sa tatlong sapak, napatumba ng bata ang lobo. Ang kapatid niyang si Makata ay ang kabaliktaran. Kilala sa pagiging lampa at duwag si Makata. Bukod dito, hindi marunong makipaglaban si Makata. Ngunit, si Makata ang pinakamatalinong nilalang sa Tribo. Si Makata ang tagapagpayo ng Datu, at siya ang tagapagpamahala ng mga babaylan.

    Isang araw, lumabas ang dalawang magkapatid sa patungo sa dagat. Sumakay ang dalawa sa isang munting bangka. “Nakakatakot naman dito” sabi ni Makata. “Hay nako, wag ka ngang duwag!” sabi naman ni Lakas. Naglakbay ang dalawa upang maghanap ng mga isda. Habang ang dalawa’y nangingisda, biglang nagyanig ang dagat, at bumuo ito ng isang malaking alon. “Makata, dalian mo!” sigaw ni Lakas habang inuutusang bumalik ang kapatid. Ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya subalit dinala ng alon ang magkapatid.

    Nang gumising si Lakas, napansin niya’y napadpad siya sa baybaying malapit sa kanilang bayan, ngunit hindi niya kasama ang kapatid niya. Nang mawala ang kanyang kapatid, nagkagulo ang bayan dahil nawala ang tagapagpayo ng bayan. Sa kabila ng mga kabangisang naghihintay naghihintay sa labas ng isla, sinubukan nila ang lahat upang hanapin ang mahal nilang si Makata. Daan-daang tanong ang nawala sa paghahanap sa kanya ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kapatid. Dahil sa maramihang paglalakabay, natuto ang mga mamamayan ng iba’t ibang wika mula sa iba’t ibang lugar. Nang bumalik ang mga tao sa isla, pinagkalat nila ang kanilang kaalaman, at inialay nila ang mga wikang ito sa kanilang mahal na prinsipe. At dahil doon, ang isang taong may lubos na kaalaman tungkol sa mga wika at tinawag na makata

  • Réponse publiée par: janalynmae

    answer:

    Alamat ng Pinya

    Explanation:

    nag bibigay aral sa mga batang hindi ginagamit ang mata sa paghahanap ng inuutos o pinapahanap sa kanya ng magulang o sino man.

    ps. tayo magiging pinya kase puro lang tayo 'mama asan yung ano wala naman dito'

  • Réponse publiée par: elaineeee

    answer:

    Alamat ng Ulan

    Alamat ng Pakwan

    Alamat ng Ilang-ilang

    atbp.

Connaissez-vous la bonne réponse?
Magbigay ng alamat na kaparehas ng alamat ng baysay...