Ang tula ay isang uri ng literaturang pampanitikan na nagpapahayag ng damdamin o kuwento sa masining na paraan. Kadalasan, ito ay may apat na taludtod sa isang saknong. May mga tula rin na lagpas sa apat ang taludtod sa isang saknong depende sa uri ng tulang isusulat. Gayunpaman, mas madaling matukoy ang isang tula kapag ito ay may sukat at tugma.
DALAWANG URI NG TULA
Malayang tula. Ang malayang tula ay tulang walang sukat at tugma. Malaya nitong inilalahad sa masining na paraan ang damdamin o kuwento ng isang makata.
Di Malayang tula. Ito ay uri ng tula na may sukat at tugma. Ang bawat pantig sa bawat taludtod ay binibilang at kailangang iisa o walang pagkakaiba sa sukat ng mga pantig nito sa bawat saknong. May tugma rin sa mga salita sa bawat pagtatapos ng taludtod.
Para sa karagdagang kaalaman, maaaring buksan ang:
Ang ating panahon ay nanggigipit na
Kalamidad ay nagkalat, nanunuligsa
Dapat lang pigilan natin ng sama-sama
Maghawak kamay tayong mga tao sa bansa
Isantabi muna ang pride at galit
Tulungang bumangon ang mga maliliit
Kung may maitutulong sa mga nagigipit
Huwag nang mag-alintana, agad na sumaglit
Mahalin ang kapwa, tulungan sila
Silang mga kapos, walang kinikita
Dahil sa COVID-19, pansamantala
Sa bahay na muna ang bawat isa
Malalagpasan din natin ang sakuna
Kung tulong-tulong at magkakaisa
Tayong mga tao ay magsama-sama
Nang ang problema ay agad mapuksa
Ang tula ay isang uri ng literaturang pampanitikan na nagpapahayag ng damdamin o kuwento sa masining na paraan. Kadalasan, ito ay may apat na taludtod sa isang saknong. May mga tula rin na lagpas sa apat ang taludtod sa isang saknong depende sa uri ng tulang isusulat. Gayunpaman, mas madaling matukoy ang isang tula kapag ito ay may sukat at tugma.
DALAWANG URI NG TULA Malayang tula. Ang malayang tula ay tulang walang sukat at tugma. Malaya nitong inilalahad sa masining na paraan ang damdamin o kuwento ng isang makata. Di Malayang tula. Ito ay uri ng tula na may sukat at tugma. Ang bawat pantig sa bawat taludtod ay binibilang at kailangang iisa o walang pagkakaiba sa sukat ng mga pantig nito sa bawat saknong. May tugma rin sa mga salita sa bawat pagtatapos ng taludtod.Para sa karagdagang kaalaman, maaaring buksan ang:
#LetsStudy
Other questions about: Filipino
Popular questions