12 saknong na tula tungkol sa katutubong wika​

Answers

  • Réponse publiée par: meteor13

    Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino

    Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,

    Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,

    Ang inang kumalong at siglang umawit,

    Wikang Filipino ang siyang ginamit.

    Ang wika ay tubig – na nagpapaputi,

    Ng pusong may sala at bahid ng dumi,

    Manalangin lamang at saka magsisi,

    At patatawarin ng Poong mabuti!

    Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,

    Sa patid na hinga ng kulturang patay,

    Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,

    Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

    Ang wika ay bato – na siyang tuntungan,

    Nitong mga paa ng mahal na bayan,

    Wika ay sandigan nitong kasarinlan,

    Sa bundok o burol, maging kapatagan.

    May alab ng apoy at lakas ng bato,

    At kinang ng tubig na wari ay ginto,

    Wikang Filipino’y matatag na hukbo

    Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

  • Réponse publiée par: cyrishlayno
    Mga karahasan ng bawat isa sa ating mga pilipino
Connaissez-vous la bonne réponse?
12 saknong na tula tungkol sa katutubong wika​...