Mag bigay kayo ng kahulugan mula sa mitolohiyang si pluto at proserpina

Answers

  • Réponse publiée par: cbohol56

    Si Proserpina ay anak ni Zeus(ang Diyos ng mga Diyos) at Demeter(Diyosa ng Anihan).

    Siya ay isang dalagang maganda na katu-katulong ng inang si Demeter sa pangangalaga sa mga halaman sa lupa. Siya ang kasama ng ina kapag namimitas ng bulaklak.

    Si Proserpina ay masayang nakikipagsayawan sa parang kasama ang iba pang kadalagahan. Masayang nagsasama ang mag-ina.

    Samantalang si Pluto (Ang Diyos sa ilalim ng lupa at Diyos ng mga namayapa) ng mga panahong iyon ay malungkot. Nag-iisa lang siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ang gusto nya ay magkaroon ng kasama. Ang magkaroon ng Reyna sa kanyang kaharian ngunit maraming dalaga ang tumangging tumira sa kanyang kaharian.

    Isang araw nagtungo sa ibabaw ng lupa si Pluto doon niya natanaw si Proserpina na kasama ng mga kaibigan. At kanyang sinambit “Siya na ang gagawin kong reyna ng aking kaharian”. Kanya ngang kinuha si Proserpina habang namimitas ng mga bulaklak.

    Humingi man ng tulong si Proserpina sa kanyang ama ngunit siya ay hindi nito narinig. Ang tanging nakarinig lang ay ang mahiwagang diyosa na si Hikate. Sumigaw ng sumigaw ang dalaga. Ang alingawngaw ng kanyang sigaw ay ikinalat ng hangin sa mga burol at kagubatan hanggang sa ito ay marinig ng kanyang inang si Demeter.

    Dali dali itong bumalik sa Sisilya at hinanap ang kanyang anak sa kanilang bahay ngunit wala doon ang kanyang anak.

    Hinanap ni Demeter ang kanyang anak na si Proserpina ng siyam na araw ngunit di nya ito matagpuan.

    Dahil sa kalungkutan di siya kumain o uminom man lang.

    Nang ikasampung araw dumating si Hekate at ibinalita nga nito ang narinig niyang sigaw ni Proserpina. Ngunit di nito nakita kung sino ang kumuha sa dalaga.

    Pumunta si Demeter sa Diyos ng araw , sinabi ni Apollo na ang kumuha sa kanyang anak na si Proserpina ay si Pluto.

    Nalungkot si Demeter kung kaya’t hindi nya naasikaso ang mga gawain sa ibabaw ng lupa. Namatay ang mga halaman at nagutom ang mga tao. Dumaan ang mga araw ay lalong nagkagutom gutom ang mga tao. Lumapit sila kay Demeter hiniling nila na patubuin na ang mga halaman sa lupa ngunit dahil sa kanyang kalungkutan naging matigas ito.

    Hinanap niya ng hinanap si Proserpina nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Seus, hiniling nya na ibalik ang kanyang anak. At kanyang sinabi “Kung siya ay ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa”.

    Naawa si Seus sa kanya kung kaya’t ipinangako nito na ibabalik si Proserpina kung ang dalaga ay hindi pa kumakain ng kahit na ano habang nasa kaharian ni Pluto.

    Natuwa si Demeter, Nagpunta siya sa kaharian ni Pluto sa ilalim ng Lupa. Nakita nya ang kanyang anak na si Proserpina at sila’y masayang nagyakap. Ngunit si Proserpina pala ay nakakain na ng anim na buto ng Granada.

    Minarapat ni Pluto na mamalagi si Proserpina sa kanya ng anim na buwan(taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa) at sa piling naman ni Demeter ang nalalabing anim na buwan(tag-sibol at tag-araw sa ibabaw ng lupa).

    I-click ang mga links para sa karagdagang impormasyon:

  • Réponse publiée par: Rosalesdhan

    Makatotohanan: Pagmamamahal ng isang ina ay walang kapantay.

    Di Makatotohanan: May gusto si Proserpina kay Demeter.

    (Mark me asplease)

  • Réponse publiée par: candace08

    Mitolohiya mula sa greece

    Pamagat: Si Pluto at si Proserpina

    Tauhan:

    Pluto - the greek god of the lower world

    - hari sa ilalim ng lupa

    Demeter - goddess of agriculture and faithfulness

    - Diyosa ng lupa, ina ni Proserpina

    Seus - Diyos

    Banghay:

    Si Proserpina ay anak ni Demeter diyosa ng lupa. Siya ay dinukot ni Pluto upang gawing asawa. Dahil sa pag kawala ng anak ni Demeter marami ang nagutom sa ibabaw ng lupa. Hindi tumigil si Demeter sa paghahanap sa anak. Humingi na siya ng tulong kau Seus para maibalik ang kanyang anak at sinabi niyang "Kung siya'y ibabalik sa akin muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa". Tinulungan ni Seus na makita ang anak sa kaharian ni Pluto. Nagkita ang mag-ina ngunit dahil nakakain na ng 6 na buto ng Granada (Pomegrante) si proserpina nagkaroon na lamang sila ng kundisyon ni Pluto. At ang kundisyon ay 6 na buwan siya sa ilalim ng lupa kapiling si Pluto at 6 n buwan sa ibabaw ng lupa kapiling ng kanyang ina.

    Tema:

    Ang mitolohiyang ito ay nag papakita nang wagas na pag mamahal ng isang ina sa kanyang anak na gagawin lahat para sa kanyang anak. Sa lubos na pag mamahal ni Demeter sa kanyang anak tuwing 6 na buwan na kapiling nia ang kanyang anak ay nakakaranas ang mga taga lupa ng tagsibol at tag-araw. At sa sunod na 6 na buwan na hindi nia kapiling ang kanyang anak ay nakakaranas ang mga taga lupa ng taglagas at tagsibol.

    (Mark me asplease)

Connaissez-vous la bonne réponse?
Mag bigay kayo ng kahulugan mula sa mitolohiyang si pluto at proserpina...