Bakit kaylangan tanggalin ang asignaturang filipino?

Answers

  • Réponse publiée par: Grakname

    Explanation:

     Usap-usapan. Hindi maalis sa bibig ng karamihan. Itong asignaturang Filipino, aalisin na raw sa kolehiyo. Kanya-kanyang pagtatanggol at suhestyon. Iba’t ibang paniniwala’t opinyon. Ilang taon ng isyu sa bansang perlas ng silangan. Tama nga kayang alisin ang Filipino sa kolehiyo o dapat nga bang ipagpatuloy pa ang pagtuuro nito?

          Naging maingay ang dating tahimik na daloy ng tubig mula ng inilabas ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon ang kautusan bilang 20, taong 2013. Alinsunod dito, aalisin na ang Filipino bilang asignatura sa Pangkalahatang Kurikulum sa Edukasyon sa Kolehiyo na agad tinutulan ng mga guro, estudyante at mga organisasyon.

          “Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektwalisado o nagagamit sa iba’t ibang larangan,” ayon kay G. David San Juan, propesor sa Filipino sa DLSU. Sa ibang salita, paano magiging intelektwalisado ang wikang Filipino kung hindi ito pag-aaralan sa mataas na paaralan? Nakasaad pa sa ating konstitusyon na dapat pagyamanin at palaganapin ang Filipino bilang wikang pambansa.

          Ang pag-alis ng Filipino sa kolehiyo ay mas magdudulot pa ng kolonyal na kaisipan. Maging ang karamihan sa mga asignatura mula elementarya at sekundarya ay nakasulat sa wikang Ingles gayong maaari naman itong isalin sa Filipino katulad ng Home Economics, Music, Philippine Politics and Governance, Understanding Culture, Society and Politics at iba pa. Dagdag pa rito, hindi pa bihasa ang karamihan sa mga estudyante sa paggamit ng Filipino katulad ng paggamit ng panlapi, tamang bantas, pagkakaiba ng ‘ng’ at ‘nang’ at iba pa. Ang mga isyu sa bansa, kultura at pulitika ay mas mainam din na Filipino ang gamiting wikang panturo upang mas maging makabayan ang sistema ng edukasyon. "Upang maging ganap ang intelektwalisasyon nito, nararapat lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo," ani San Juan.

          Ayon naman kay Atty. Julito Vitriolo, punong tagapamahala ng Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, "Yung pag-aaral ng Filipino, nandoon na sa senior high school, kasi kung titingnan natin, kalahati ng general education, dinownload sa K to 12." Kaya raw inalis na sa kolehiyo ang asignaturang Filipino ay dahil inilapat ito sa ika-11 at ika-12 baitang sa senior high school. Sa usaping pagmamahal sa wika, "Dapat ang importante diyan, maging bihasa ka, mahalin mo, itaguyod at tangkilikin mo. Iyong pag-aaral kasi at pagtataguyod, nasa kahit anong level kasi," paliwanag niya. Dagdag pa rito, gusto raw ng komisyon na pagtuonang-pansin ang mga pangunahing asignatura ng kurso sa kolehiyo upang mas malinang ang mga estudyante sa tatahakin nitong karera.

          Nangunguna ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika sa mga tumututol sa kautusang ito kaya naghain sila ng petisyon sa Korte Suprema upang ito’y rebisahin. Dininig naman nila ang petisyong ito sa pamamagitan ng paglabas ng pansamantalang pagpigil (temporary restraining order) sa kautusan ng komisyon. Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang pagtatalakay dito ng mga mahistrado kaya umaasa ang mga makabayang Pilpino na panigan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng Tanggol Wika.

          Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay nakadadagdag ng pagmakabayan ng bawat isa. Habang patuloy itong inaalam at sinasaliksik, lumalawak ang kaalaman ng bawat mamamayan patungkol dito na isa sa magiging dahilan upang maging intelektwalisado na ang pambansang wika. Ngunit paano ito mangyayari kung aalisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?

          "Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil pinatanggap sa atin na mas mababang klase ang mga Filipino. Kailangang kilalanin na ang malaking dahilan bakit may [ganitong] problema, ay ang ating kolonyal na pinanggalingan,” ani pambansang artist para sa literatura, Bienvenido Lumbera.

          Ikaw, pabor ka ba sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil sapat na raw ang pag-aaral nito hanggang ika-12 baitang? O naniniwala ka na dapat ipagpatuloy ang pag-aaral sa wika upang mas maging intelektwalisado ito?

  • Réponse publiée par: kirbydimaranan

    para saakin

    hindi sya kailangan tanggalin at hinding hindi dapat tanggalin gusto nating umunlad ang bansa natin pero bakit tatanggalin ang asignaturang filipino kung salitang Filipino napaptunayan na tayo ay isang pinoy

    sa asignaturang filipino ay dito mas naiituturo ang Pambansang Wika natin

    dito naituturo ang tamang pagbigkas

    tamang salita at ang baybayin kung kaya hindi nararapat tanggalin ang asignaturang filipino

  • Réponse publiée par: kuanjunjunkuan

    1.mahusay sa pag dradrawing

    Explanation:

    larangan:Architect/engineering

  • Réponse publiée par: candace08

    answer:

    TANGINA ka

    Explanation:

    jhhhknccbnjbb. hgdjhvsiuhvxx

  • Réponse publiée par: elaineeee

    D. logical

    Explanation:

    kung mali man ako... pasensya ka na ha, godbless

  • Réponse publiée par: calmaaprilgrace

    D

    Explanation:

    kung mali man ako bahala kana

  • Réponse publiée par: candace08

    dahil dito natututo ang mga kabataan ng pag gamit ng tama ng ating sarinling language

    Explanation:

  • Réponse publiée par: nelspas422

    Gagamit ako ng mapanuring pag iisip at ipapakita ko aking presence of mind

    Explanation:

    at mananalig din ako sa Panginoon upang gabayan nya ako sa aking pagsali sa Journalism

    At magpapaturo ako sa aking coach

    sana makatulong po

    Campus Journalist po kasi ako

  • Réponse publiée par: smith21

    Maipapangako ko na pagbubutihin Ang aking pagsulat ng mga journal/news/etc.

    Explanation:

    Sorry Ang unti...

    Pero Sana nakatulong<3

  • Réponse publiée par: kateclaire

    Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa pamantasan, bansa, at buhay.

    Explanation:

    sana makatulong

Connaissez-vous la bonne réponse?
Bakit kaylangan tanggalin ang asignaturang filipino?...