Ano ang pagkakaibang dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad halimbawa ng maikling kuwento?

Answers

  • Réponse publiée par: kimashleybartolome

    Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento. Kabilang sa mga kilalang manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Samantalang ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling kwento"

  • Réponse publiée par: pataojester10

    ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao.

    BUgtong

    Alamat

  • Réponse publiée par: 20201947
    Para po sa akin ang dagli ay pawang maikling kwento din ngunit ang haba nito ay hindi dapat aabot  sa kayang abutin ng isang maikling kwento kadalasan sa isang dagli ay mabibitin ka sa kwento dahil nga sa itoy pinapaikli lamang ngunit ito man ay maikli ang ideya nito ay makikita pa rin naman dito

    opinyon ko lang po
Connaissez-vous la bonne réponse?
Ano ang pagkakaibang dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad halimbawa ng maikling kuwento?...