Ano ang mga katangian ng isang taong may pangarap​

Answers

  • Réponse publiée par: ian2145

    Ang mga katangian ng isang taong may pangarap ay masikap, masigasig, may tiwala sa sarili, determinado, at higit sa lahat may takot sa Diyos. Ang katangiang ito ay dapat na taglayin ng mga taong may pangarap upang makamtan nila ang lahat ng kanilang mga pangarap.

  • Réponse publiée par: joviecar
    Study

    ITO ANG MGA KATANGIAN NG TAONG MAY TUNAY NA PANGARAP

  • Réponse publiée par: shannel99

    answer:

    Pursigido, masipag, matyaga, at di madaling sumuko

  • Réponse publiée par: pauyonlor

    modeyol mo yan wag mo e share

  • Réponse publiée par: nelgelinagudo

    pagiging masipag,matiyaga,masinop,matiisin at marunong mag plano sa buhay para sa kanyang pangarap

    Explanation:

  • Réponse publiée par: snow01
    APAT NA KATANGIAN NG ISANG TAONG MAY PANGARAPMarami ang nagsasabi na libre ang mangarap ngunit kailangan din ng mga katangian na dapat taglayin ng isang tao kundi ang kanyang pangarap ay mananatiling pangarap na lamang, isang panaginip na hindi din makakamtan.Narito ang apat na katangian na dapat taglayin ng isang tao upang makamit niya ang kanyang pangarap.

    1.  Pagiging positibo

    Ang taong may pangarap ay may positibong pananaw o positibong pag-iisip. Ito ang mga taong patuloy na lumalaban o hindi sumusuko sa kabila ng problemang kinakaharap.

    2. Gamitin ng maayos ang lahat ng resources na mayroon ka tulad ng oras, salapi o kung anong bagay na maaring maging daan upang makamit ang iyong pangarap

    Kung ang isang tao ay magaling humawak ng oras, pera, pagkakataon o kung ano pa mas mabilis makamit ng isang tao ang kanyang pangarap sa buhay.

    3. Tiwala sa Diyos at Tiwala sa sarili

    Alam natin na kung wala ang Diyos na aasahan natin maarinh hindi natin makakamit ang ating pangarap. Ang taong may pangarap ay buong pusong nagtitiwala sa Diyos. Dapat din na may tiwala ang isang tao sa kanyang sarili na kaya niyang makamot ang kanyang pangarap.

    4. Tanggapin at harapin ang kabiguan

    Lahat ng tao ay nakakaranas ng pagkabigo. Ang dapat lamang nating gawin ay buong puso itong tanggapin. At subukang muli hanggat hindi ito nakakamit.

    Related links:

    katangian ng taong may

    #letsstudy

  • Réponse publiée par: kurtiee
    Katangian ng taong may pangarap Masipag Matiyaga Masinop Matiisin Marunong magplano sa buhay Masipag

    Ang isang taong may pangarap sa buhay ay kakikitaan mo ng kasipagan sa lahat ng bagay, halimbawa ang isang mag-aaral na mayroong pangarap ay kakikitaan mo ng kasipagan sa kanyang pag-aaral sapagkat nais niyang makatapos, ang taong masipag sa trabaho ay may pangarap sa buhay sapag nais niyang mas marami pang matutunan na magagamit niya sa marami pang bagay, ang taong may pangarap ay di lang hangad ang agarang mataas na kita sa pinapasukan o pinagkakakitaan,bagkos mahalaga rin sa kanya ang mga maiipon niyang kaalaman sa pakikisalamuha sa iba.  

    Matiyaga

    Ang taong may pangarap ay matitiyaga, ano mang hirap ang trabaho o gawain na nakaatang sa kaniya ay matiyaga niya itong ginagampanan o tinatapos.

    Masinop

    Ang taong may pangarap sa buhay ay masinop, pinapahalagahan ang mga bagay bagay sa kaniyang paligid, hindi gastos ng gastos sa mga bagay na hindi naman ganun kahalaga mas inuuna ang mga bagay na alam niyang mas kapaki pakinabang.

    Matiisin

    Ang taong may pangarap sa buhay ay matiisin, anuman ang hirap na kanyang nararansan ay tinitiis niya sapagkat alam niyang hindi siya mananatili sa ganung sitwasyon at balang araw ay hindi na siya magtitiis ng ganun sapagkat makakamit niya ang tagumpay na pangarap niya.  

    Marunong magplano sa buhay

    Ang taong may pangarap ay marunong magplano sa buhay, alam niya ang mga dapat at hindi dapat gawin, at mga bagay na dapat unahin at hindi dapat unahin.  

     

    Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

    Ano ang mga katangian ng isang taong may pangarap

    Palatandaan ng taong may pangarap

  • Réponse publiée par: hajuyanadoy
    masipag,matiisin,mapagmahal,at higit sa lahat mabait. PANGARAP -ang pangarap ito ang iyong kagustohan kung ano-ano ang gusto mong mangyari sa hinarap o ano- ano ang gusto mo maging.MITHIIN-ang mithiin ito ay ang kailangan mong tuparin kaagad ang kaibahan nito sa pangarap at mithiin ay ang pangarap kasi pwede lang itong Hindi matupad at ang mithiin ay Hindi mo ito kagustohan.

    3. ang mithiin ay ang naging silbing pundasyon para makamit mo ang iyong pangarap.

    4.upang makamit mo ito ng buo at maayo

    5.upang malaman mo na di lahat ng mithiin makukuha mo sa madaling panahon.

    i hope it helps❤

    FOLLOW ME FOR MORE ANSWER

    Explanation:

    sorry if you think thats wrong ✌

Connaissez-vous la bonne réponse?
Ano ang mga katangian ng isang taong may pangarap​...