Pangungusap na may panghalip pananong na gaano ano sino-sino kailan at ilan

Answers

  • Réponse publiée par: JUMAIRAHtheOTAKU

    1) gaanong kabigat kaya ang kanilang haharaping sentensya?

    2) gaanong kabilis nila kaya gagawin ang ensayo?

    3) hindi ko gaanong lubos na maisip ang iniinda niyang sakit ngayon.

    4) sino-sino ba ang kasali sa paligsahan sa ating barangay?

    5) sino-sino ang mga kalahok ng kontesta sa paaralan?

    6) ayusin naman natin ang pamamahala rito dahil kung sino-sino na lamang ang pumapasok sa binabantayan nating gusali!

    7) kailan ba natin aayusin ang kalikasan?

    8) kailan ba gaganapin ang kasal ninyo?

    9) saka ka naman kikilos kung kailan huli na ang lahat!

    10) ilan ba ang hinihingi niyang lapis?

    11) ilan pagsusulit ba ang kailangan mong paghandaan?

    12) hindi ko alam kung ilang beses na siyang naghiganti para sa kanyang pamilya.

  • Réponse publiée par: batopusong81

    Ang panghalip pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, hayop, pook, pangyayari, bagay, at iba pa. Narito ang mga halimbawa nito at ang kani-kanilang mga gamit.

    Sino at Kanino – Ito ay ginagamit para sa tao.

    Sino ang kukuha ng ulam na binili sa palengke?

    Kanino mo ibibigay ang bulaklak na iyan?

    Ano – Ito ay ginagamit para sa hayop, bagay, katangian, pangyayari, at ideya.

    Ano ang ibinigay ni Roman sa’yo bilang regalo?

    Ano ang pagdiriwang bukas?

    Kailan – Ito ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at panahon.

    Kailan uuwi si Oscar?

    Kailan magbibigay ng pera pambayad ng ilaw si Danilo?

    Saan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar.

    Saan pupunta ang mag-amang Mang Terio at Felimon.

    Saan mo ipapadala ang pasalubong?

    Bakit – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan.

    Bakit mo pinayagang umalis si Cardo?

    Bakit hindi agad nakarating ang bayad ni Pilar?

    Paano -Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.

    Paano niya tinanggap ang pagkawala ng asawa niya?

    Paano lulutuin ang adobo?

    Ilan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang.

    Ilang bote ng suka ang ipinapabili ng nanay?

    Ilang bata ang sasama sa lakbay aral?

    Alin – Ito ay ginagamit sa pagpapapili.

    Alin ang gusto mo, ang relo o ang sapatos?

    Alin sa kambing at baboy ang nais mo ihain sa mga bisita?

    Magkano – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng pera.

    Magkano ang ibinayad ni Arlinda para sa mangga?

    Magkano ang bawat bote ng toyo?

  • Réponse publiée par: cbohol56
    Bakit ka nakaupo diyan? Hindi mo ba ako kakausapin? Bakit kaya ang sungit niya? Pwede bang pumunta sa Bathroom? Kakayanin ko kaya ito?
Connaissez-vous la bonne réponse?
Pangungusap na may panghalip pananong na gaano ano sino-sino kailan at ilan​...