Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?

Answers

  • Réponse publiée par: joyce5512

    Upang mapaliit ang isang paksa sa malawak ang saklaw, mahalaga ng magkaroon ng kaunting kaalaman ukol dito. Sa ganitong paraan, mas mapadadali at mapabibilis ang isasagawang pagpino sa mga maaaring piliin na paksa. Ang isang halimbawa ng paglimita ay makikita sa susunod na talata.

    Halimbawa ng paglimita ng paksa

    Paksa: Wika

    Dahil sa maraming wika ang makikita sa mundo, pumili ng bansa na gagawing pokusMula sa pagpili ng bansa, piliin ang wika na nais mula sa mga wikang sinasalita sa napiling bansaTingnan kung may iba pang baryason ng wikang napiliMga batayan sa pagpili ng paksa

    Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga batayan na maaaring gamitin upang magsilbing gabay sa pagpili ng paksa:

    Ano ang napiling paksa?Ito ba ay napapanahon?Paano ito makatutulong sa mga suliranin na hinaharap sa kasalukuyan?May mga naunang pag aaral na ba na isinagawa tungkol dito?

    Para sa iba pang gabay sa pagpili ng paksa, sumangguni sa mga sumusunod na links:

    Hakbang sa paggawa ng isang pag aaral

    Matapos makapili ng paksa, ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na dapat gawin upang makagawa ng maayos na pag aaral:

    Gumawa ng hypothesisMagsagawa ng experimentGumawa ng surbey depende sa uri ng paksa na napiliKumalap ng datosItala ang lahat ng pag aaral, datos, at iba pang impormasyon na nakalapGumawa ng konklusyon batay sa mga datos

    Para sa karagdagang kaalaman ukol sa pagsasagawa ng pagsusuri, sumangguni sa mga sumusunod na links:

    Ano ang kahulugan ng pagsusuri?

    Ano ano ang mga uri ng pagsusuri?

    Code: 12.1.3.9.

Connaissez-vous la bonne réponse?
Paanong lilimitahan o paliliitin ang isang paksa na malawak ang saklaw?...