Mensahe ng kabanata 5 ng noli me tangere​ a. s.a. p.

Answers

  • Réponse publiée par: shannel99

    El Filibusterismo

    Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

    Mensahe:

    Ang kabanatang ito ang nagpapatunay na sadyang marami ang pagpapahirap na dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng mga kastila. Ni ang panahon ng kanilang pagpaparusa ay walang pinipili. Kung tutuusin, ang noche buena ay palatandaan ng araw ng kapaskuhan at tuwing pasko, ang mga tao ay masaya, mahinahon, mapagmahal, at puno ng pakikipagkapwa - tao. Ngunit para sa gwardya sibil, walang halaga ang pasko. Walang halaga ang pagiging makatwiran basta alam nilang nagkasala sa batas ang isang tao. Nakakalungkot isipin na hindi man lang nila naisip na ang kutsero na kanilang pinarusahan ay may pamilyang umaasa na makakauwi siya ng ligtas at masaya. Kahit man lang sana ang pagbibigay ng konsiderasyon ang tanging regalo para sa kapaskuhan. Ngunit ang lahat ay nanatili lang na munting hiling. Tila baga hindi alam ng mga gwardya sibil na ang pasko ay mahalaga para sa mga Pilipino. Napakasakit isipin na sariling bayan walang kalayaan ang mga Pilipino na magdiwang. Ang masayang noche buena ng isang kutsero ay naging hanggang pangarap na lang para kay Sinong sapagkat ang mga gwardya sibil ay sadyang naging maramot at hindi makatwiran sa pagbibigay ng parusa sa simpleng pagkalimot sa kanyang lisensya.

Connaissez-vous la bonne réponse?
Mensahe ng kabanata 5 ng noli me tangere​ a. s.a. p....