Ano nga ba ang de kalidad at makamasang edukasyon?

Answers

  • Réponse publiée par: kimashleybartolome

    Para sa maraming mga bata na hindi pa rin nakaka-access sa edukasyon, kapansin-pansin ito dahil sa patuloy na hindi pagkakapantay-pantay at pagkabulag.

    Sa pagbuo at pagbuo ng mga bansa na halos magkasintulad, ang mga bata ay walang mga okasyon na makamit ang pangunahing edukasyon dahil sa mga hindi pagkakapantay-pantay sa sex, kalusugan at pagkakakilanlan ng kultura (etnikong pinagmulan, wika, relihiyon). Ang mga salik na nakakabit sa kahirapan tulad ng kawalan ng trabaho, sakit at kawalang trabaho ng mga magulang. Hindi maikakaila, maraming mga bata mula sa mga hindi magagandang pinagmulan ang napipilitang talikuran ang kanilang edukasyon dahil sa mga problema sa kalusugan na may kaugnayan sa malnutrisyon o upang magtrabaho at magbigay ng suporta para sa pamilya.

    Ang de kalidad na edukasyon ay ang edukasyong binibigay ng pamahalann sa pamamagitan ng mga public high schools and state colleges and universities. Gamit ang isang kurikulum na kapwa ginagamit sa mga private at public institutions.

  • Réponse publiée par: trizianichole20

    Kasagutan:

    De-kalidad at makamasang edukasyon

    Ang de-kalidad at makamasang edukasyon ay ang edukasyon na kung saan patas sa kahit sinuman, pamamahirap o mayaman at mapababae o lalaki o LGBTQ+ pa man. Ito ang uri ng edukasyon na kung saan may healthy competition at maraming natututunang lesson sa academics man o sa totoong buhay.

    #answerForTrees

  • Réponse publiée par: shannel99

    answer:

    1. KONTRAKTUWALISASYON

    Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga labor group bago matapos ang buwan upang pag-usapan ang kanilang saloobin kaugnay sa isyu ng kontraktuwalisasyon, ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

    2. Trapik sa Metro Manila

    Pinakamalala sa lahat ng mga siyudad sa buong mundo ang trapik sa Metro Manila, na sinundan ng Rio de Janeiro at Sao Paulo sa Brazil, at Jakarta sa Indonesia, ayon sa Waze—isang online application na panukat ng daloy ng traffic at pagbibiyahe sa loob ng mga siyudad.

    3. Mass Transport System

    Mass transportation is any kind of transportation system in which large numbers of people are carried within a single vehicle or combination of vehicles. Airplanes, railways, buses, trolleys, light rail systems, and subways

    4.De-Kalidad at Makamasang Edukasyon

    Malinaw na itinatakda ng batas sa ating Konstitusyon na nakasaad pa sa ikaapat na artikulo: “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.” Sa madaling sabi, ANG EDUKASYON AY KARAPATAN AT HINDI ISANG PRIBILEHIYO.

    I HOPE IT CAN HELP HANGGANG 4 LANG PO KASI ALAM KO SO SANA PO MAKATULONG FOLOW ME FOR MORE ANSWERS
  • Réponse publiée par: kurtiee

    Explanation:

    Sabi nga ng mga magulang, ang edukasyon ang pinakanatatanging maipamamana nila sa kanilang mga anak, edukasyong babaunin at hindi mananakaw ninuman. Ngunit sa pagbubukas ng taong panuruan 2013-2014 ngayong Hunyo, kapansin-pansin ang muling pagtaas ng matrikula ng karamihan sa mga unibersidad at kolehiyo sa ating bansa. Hindi ba’t pagnanakaw ito ng karapatan nating makapagtapos ng pag-aaral?

    Karapatang maituturing pa nga ba ang edukasyon sa ating bansa kung ito ay nangangailangan ng sapat na halaga bago makapag-aral? Karapatan pa nga ba o isang pribilehiyo na lamang na ang pangunahing sangkap upang makapagtamasa ng de-kalidad na edukasyon ay magkaroon ng pera?

    Hindi na kataka-taka kung bakit paunti na nang paunti ang nakatutungtong at nakapagtatapos ng kolehiyo. Isa sa mga maituturing na dahilan ay ang pagiging komersyalisado ng edukasyon sa Pilipinas kung saan nagmimistula itong produkto o serbisyo na inilalako sa iilang tao dahil sa laki ng halaga na kailangang gugulin upang makamit ito.

    Marami ring polisiya ang hindi makatarungang ipinatutupad ng ilang mga unibersidad at kolehiyo. Tulad na lang ng kung mahuli kang magpatala (late enrollee), may kaukulang dagdag na bayarin na dagdag-pasakit din sa bulsa ng ating mga magulang. Isama pa ang Socialized Tuition Fee and Financial Assistance Program (STFAP) o ‘yong tinatawag na “bracketing system” ng mga unibersidad kung saan kinakailangan magpasa ng taunang buwis (Annual Income Tax Return) ng mga magulang at kung hindi ka makapagpapasa ay sapilitan kang mailalagay sa may pinakamataas na babayarang matrikula na kung titingnan ay sadyang hindi makatarungan.

    Ilan lamang ito sa napakaraming kinahaharap na mga problema ng mga estudyante sa tuwing sumasapit ang pasukan bukod pa sa kakulangan sa maayos na mga pasilidad at sa kawalan ng prayoridad ng gobyerno rito dahil sa taun-taon pagkaltas ng badyet sa edukasyon upang mas ilaan sa serbisyong militar at sa utang-panlabas ng Pilipinas.

    Malinaw na itinatakda ng batas sa ating Konstitusyon na nakasaad pa sa ikaapat na artikulo: “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.” Sa madaling sabi, ANG EDUKASYON AY KARAPATAN AT HINDI ISANG PRIBILEHIYO.

    Walang ibang maninidigan kundi ang mga naapektuhan. Walang ibang kikilos kundi ang mga pinagkakaitan. Kung kaya marapat lamang natin itong bantayan at ipaglaban dahil karapatan natin dito ang pinag-uusapan.

    ISULONG ANG MAKAMASA, SIYENTIPIKO AT MAKABAYANG EDUKASYON PARA SA LAHAT!

    Sumama at matuto sa SLSU March for Education.

    13 June 2013

    9:30 a.m. Asembliya sa SLSU Covered Court.

    Magmamartsa patungo sa labas ng SLSU 1st Gate.

    Dadaan sa lahat ng Gusali ng Kolehiyo.

    -The New FORCE Organization, Tinig Organization, at The Spark Publication

    12 Hunyo 2013

  • Réponse publiée par: nila93

    para sa maraming mga bata na hindi parin ng kaklase edukasyon kapansin-pansin ito dahil sa patuloy na hindi pagkakapantay-pantay ng pagkabulag sa pagbuo at pagbuo ng mga bansa na halos magasin tula ang mga bata at wala ng mga okasyon na makamit ang pangunahing edukasyon ayon sa mga hindi pagkakapantay pantay sa sex kalusugan at pagkakakilanlan ng kulturang etniko ang pinagmulan ng wika relihiyonang mga salik na nakakapit sa kahirapan tula ng kawalan ng trabaho sa akin at kawalang trabaho ng mga magulang hindi maikakaila ng maraming mga bata mula sa mga nagaganap ang balat na pepe tatalikuran ang kanilang edukasyon sa mga problema sa kalusugan na may kaugnay sa malnutrisyon upang magtrabaho at magbigay ng suporta para sa pamilya ang may kalidad ng edukasyon ay ang edukasyong binibili ng pamahalaan sa pamumuhay ng paprika school at state college and university gamit ang isang kulay kalawang na kapwa ang ginagamit sa mga private public institution

Connaissez-vous la bonne réponse?
Ano nga ba ang de kalidad at makamasang edukasyon?...